Bagyong Dodong, nakapasok na sa PAR

by dennis | May 7, 2015 (Thursday) | 4665
Source: PAGASA-DOST
Source: PAGASA-DOST

Lumakas sa tropical typhoon category ang bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility kaninang umaga ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang bagyo na may international name na “NOUL” ay pinangalanan nang “Dodong” dahil sa pagpasok nito sa PAR.

Kaninang alas 4:00 ng madaling araw, ang sentro ng bagyong Dodong ay nasa layong 1,040 km silangan ng Surigao City. Ito ay may lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at mag pagbugso ng hangin na hanggang 160 kph.

Tinatayang maglalakbay ito patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Ayon pa sa PAGASA, bagaman hindi pa nito direktang naapektuhan ang ating bansa, magdudulot naman ito ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtaman mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulupulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Tags: , , ,