Bagyong Dodong, bahagyang humina matapos mag-landfall na sa Cagayan

by Radyo La Verdad | May 10, 2015 (Sunday) | 2304

04aamUPDATE

Bahagyang humina ang bagyong Dodong matapos itong mag-landfall sa Pananapan point sa Sta. Ana, Cagayan kahapon.

Sa ulat ng PAGASA, nasa 160 kilometers per hour ang taglay nitong lakas ng hangin (from 185kph) habang nasa 195 kph naman ang pagbugso (from 220kph).

Huling namataan ang bagyo sa bahagi ng Aparri, Cagayan at mabagal na kumikilos pa-Norte sa bilis na 16kph.

Sa ngayon ay nakataas pa rin ang public storm warning signal number 3 sa Northeastern Cagayan, Batanes, Babuyan at Calayan group of Islands;

Signal no. 2 sa Apayao at nalalabing bahagi ng Cagayan habang signal no. 1 sa Ilocos Norte, Abra at Northern Isabela.

Ayon sa PAGASA, bagaman nakalabas na sa land mass ang bagyo ay makararanas pa rin ng heavy to intense rains ang mga lugar na sakop ng 100 kilometer diameter ng cloudband nito.

May banta pa rin ng storm surge at landslide sa mga lugar na may nakataas na babala ng bagyo kaya patuloy na pinag-iingat ang ating mga kababayan.

Kung hindi magbabago ng kilos at direksyon, inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsilibity ang bagyo bukas ng umaga.

Tags: ,