Bahagyang humina si bagyong Chedeng habang patuloy nitong binabagtas ang West Northwest direction ayon sa PAGASA.
Kaninang 4:00 ng hapon, namataan ang mata ng bagyo sa layong 970km East Southeast ng Virac, Catanduanes na may lakas na 175 kph malapit sa gitna at may pagbugso na 210 kph. Inaasahan na gagalaw ito patungong Northwest direction sa bilis na 15kph.
Samantala, Ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Cordillera at Ilocos ay makararanas ng bahagyangmaulap na kalangitan. Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magigingb ahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Katamtaman hangang sa malakas nahanginmula sa hilagang-silanganhangganghilagang-kanluran ang iiral sa mga silangang bahagi ng Gitna at Katimugang Luzon, ng Kabisayaan at ng Mindanao na may katamtamanhanggang sa maalongkaragatan.
Sa ibang ako, ang hangin ay magiging mahina hanggang sa katamtaman mula sa silangan hanggang hilagang –silangan na may banayadhanggang sa katamtamangpag-alon ng karagatan.
Tags: Chedeng, PAGASA-DOST