Bagyong “Chedeng” bahagyang bumilis habang papalapit ng kalupaan

by dennis | April 4, 2015 (Saturday) | 1896

CHEDENG11am

CHEDENGSATELLITE11am

Bahagyang bumilis ang bagyong Chedeng habang papalapit ito sa Isabela-Aurora area.

Kaninang 10:00 ng umaga, namataan ang bagyo sa layong 450km Silangan Timog-silangan ng Casiguran, Aurora.

May lakas ng hangin ito na aabot ng hanggang 130kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 160kph.

Bumilis ang paggalaw ng bagyo sa bilis na 22kph patumbok sa direksyong Kanluran Hilagang-kanluran.

Nagbabala pa rin ang PAGASA sa mga residente sa mabababa at bulubunduking lugar dahil sa banta ng flashflood at landslide habang inabisuhan na rin ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot sa northern seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboard ng Bicol region at Visayas.

Inaasahan na magland-fall ang bagyo sa Southern Isabela, Linggo ng umaga, Abril 5 at lalabas ito ng kalupaan sa Ilocos Sur, Linggo ng hapon at tuluyan itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility, Lunes ng umaga, Abril 6

Public Storm Warning Signal 2
(Winds of 61-100 kph is expected in at least 24 hrs)
Isabela, Southern Cagayan, Kalinga, Mt.Province, Ifugao, Benguet, Nueva Viscaya, Quirino, Aurora at Catanduanes

Public Storm Warning Signal 1
(Winds of 30-60 kph is expected in at least 36 hrs)
Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Rizal, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, iba pang bahagi ng Cagayan kabilang Babuyan Island, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Pangasinan.

Tags: , , , , ,