Dakong alas-dos kahapon nang pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Butchoy na ikalawang bagyo na pumasok sa bansa ngayong taon.
Ayon sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, mas lumakas pa ito habang patungo sa kanlurang bahagi ng bansa.
Huling namataan ang bagyo kaninang ala una ng madaling araw sa layong 1,100 kilometers sa silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan at may lakas ng hanging 160 kilometers per hour malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 195 kilometers.
Bagamat maliit umano ang tyansa na magla-landfall si Butchoy, pinag-i-ibayo naman nito ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
(UNTV RADIO)
Tags: Bagyong Butchoy