Bagyong Bising, napanatili ang lakas

by Radyo La Verdad | April 19, 2021 (Monday) | 42812

Napanatili ng bagyong Bising ang lakas nito habang tinatahak ngayon ang direksyon pa-hilaga hilagang-kanluran sa bilis na sampung kilometro bawat oras.

Huli itong namataan sa layong 250-km East Northeast ng Virac, Catanduanes.

Taglay ang lakas ng hangin na 195-km kada oras at pagbugsong aabot sa 240-km kada oras.

Makararanas naman ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang ilang lugar sa Bicol region at Eastern Visayas dahil sa bagyo.

Nakataas ang signal number two sa:
-Catanduanes
-Eastern portion of Camarines Sur
-Eastern portion of Albay
-Eastern and Central portions of Sorsogon
-Northern Samar
-Samar
-Eastern Samar
-Biliran Province

Habang signal number one naman sa:
-Eastern portion of Isabela
-Southeastern portion of Quezon Province
-Polillo Islands
-Camarines Norte
-rest of Camarines Sur
-rest of Albay
-rest of Sorsogon
-Masbate
-Burias at Ticao Islands

Nakataas din ang signal number one sa:
-Leyte
-Southern Leyte
-Northern portion of Cebu
-Bantayan at Camotes Islands

Gayundin sa:
-Dinagat Islands
-Siargao
-Bucas Grande Islands

Sa Biyernes inaasahang tatahakin ng bagyong Bising ang direksyong pasilangan hilagang-silangan palayo sa landmass ng Luzon.

Sa pagtaya ng PAGASA, mapananatili ng bagyo ang lakas nito sa susunod na dose hanggang bente cuatro oras bago tuluyang humina.

Tags: , , ,