Bagyong Betty, isa na lamang LPA

by monaliza | March 19, 2015 (Thursday) | 1465

LPA-031915_

Lalo pang humina ang bagyong Betty at ngayon ay isa na lamang itong Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, pinasok ng malamig na hangin ang bagyo kaya’t nabawasan ito ng lakas.

Subalit ayon sa weather agency, posible paring makaranas ng mga pagulan ang Bicol region bukas at sa weekend naman ay ang Central at Northern Luzon habang papalapit ang LPA.

Kaning 4am na namataan ito ng PAGASA sa layong 885km sa Silangan ng Casiguran, Aurora.

Sa ngayon ay magdudulot ng katamtaman hanggang sa matataas na pagalon ang LPA sa Silangang baybayin ng bansa kaya’t inaalerto ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.

Sa forecast ng PAGASA, ang buong bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pag-kulog. (Rey Pelayo / UNTV News)