Patuloy na lumakas ang bagyo na may international name na “Yutu” na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) habang papalapit ng bansa.
Ayon sa PAGASA, inaasahang sa Sabado o Linggo ay papasok ito ng PAR at papangalangang Rosita.
Dakong alas quatro ng madaling araw, namataan ito ng PAGASA sa layong 2,555 kilometers silangan ng Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour at may pagbugso na 195 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyon na kanluran-hilagang-kanluran.
Samantala, ayon sa PAGASA ay posibleng maramdaman na ang hanging amihan sa weekend sa Northen Luzon.
Apektado ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Davao Region at soccksargen na makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Ang nalalabi namag bahagi ng bansa ay makararanas ng maalinsangan na panahon liban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Wala namang nakataas na gale warning sa anomang panig ng bansa.