Masaya at makulay ang pagbubukas ng isang buwang pagdiriwang ng Panagbenga Festival o Baguio Flower Festival sa City of Pines.
Pinangunahan ni Mayor Mauricio Domogan at Local Government Units ang pagbubukas ng Baguio Flower Festival.
Unang pumarada ang color guard ng Philippine Military Academy, sinundan ng Baguio City officials at department heads, Saint Louis University High School and College marching band, Baguio Flower Festival Foundation Incorporated, Bless Weavers Association at iba pa.
Labing dalawang elementary school ang lumahok sa drum and lyre opening presentation.
Kabilang din sa pumarada ang mga Walk for Animal Welfare Advocates, United Dog Groups of Baguio – La Trinidad Benguet , mga kabayo ng Wright Park Pony Boys Association, at boys and girls scout.
Samantala inaasahang mahigit sampung small at big floats naman ng mga bulaklak ang lalahok sa grand float parade sa February 26.
Tema ng pagdiriwang ng Panagbenga Festival 2017 ay inspired by beauty, nurtured by nature.
Ang Panagbenga Festival ay sinimulan noong taong 1996.
(Bradley Robuza / UNTV Correspondent)
Tags: Baguio Flower Festival 2017, pormal nang binuksan ngayong araw