Binuksan na ang bagong mukha ng Baguio Athletic Bowl.
Dinaluhan ito ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Baguio City at mga atleta.
Ang bagong athletic bowl ay isinailalim sa three-phase renovation na nagkaka-halaga ng 115 million Pesos.
Ang first phase ay ang modernization ng main bleachers, second phase naman ang extension ng main bleachers at pagse-semento sa track oval, at ang huling bahagi ay ang paglalagay ng rubberized track.
Ang Baguio Athletic Bowl ang magsisilbing venue ng 2016 Cordillera Administrative Region Athletic Association o CARAA.
Inaasahang dadaluhan ng mahigit limang libong atleta at mga delegado mula pa sa iba’t ibang probinsya sa lalawigan ng Cordillera ang 2016 CARAA na gaganapin ngayong buwan.