Bagong video ng Abu Sayyaf na naghahamon kay Pres. Elect Duterte, binalewala ng AFP

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 1170

ARA_PADILLA
Hindi binigyang-pansin ng Armed Forces of the Philippines ang bagong video ng Abu Sayyaf Group na naghahamon at tila nananakot kay President Rodrigo Duterte.

Ang bagong video ay nagbabanta laban sa kaniyang pamilya at mga sundalo.

Ayon sa tagapagsalita ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na si Brigadier General Restituto Padilla Jr., hindi na dapat i-share o ipakalat sa social media ang naturang video.

(UNTV RADIO)

Tags: ,