Bagong traffic management plan, ipatutupad ng HPG ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | October 4, 2016 (Tuesday) | 1140

lea_routes
Nasa tatlong daan tauhan na ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang nagmamando ng traffic sa EDSA ngayon.

Ayon kay PNP-HPG Spokesperson PSupt. Elizabeth Velasquez, apat na Mabuhay lanes din ang bubuksan nila bilang alternate routes para sa mga motoristang magmumula sa NLEX patungo ng airport, SLEX at CAVITEX nang hindi dadaan ng EDSA.

Ang route 1 na mula Balintawak ay dadaan sa Samson Road, C4 hanggang makarating ng Roxas Blvd patungo ng destinasyon.

Babaybayin naman sa ikalawang ruta ang Balintawak, A. Bonifacio, Dimasalang, Quezon Blvd, Lawton hanggang makarating ng Roxas Blvd patungo nang destinasyon.

Mula Balintawak naman patungo ng Mayon St, Welcome Rotunda, Vicente Cruz, Nagtahan, Osmeña Highway hanggang SLEX ang route 3.

Habang ang route 4 ay mula Balintawak na dadaan naman ng Araneta Ave, N.Domingo, F. Manalo, Panaderos, Pedro Gil, Quirino Avenue, Plaza Dilao, Osmeña Highway hanggang SLEX.

Hihilingin din ng hpg sa mga mall owner gawin na lang dalawang araw ang kanilang weekend sale ngunit pahahabain naman ang operating hours.

Kasama rin sa ipaaayos nila ay ang parking spaces upang hindi makakaabala sa traffic sa EDSA.

Humingi naman ng pang unawa ang Highway Patrol Group sa publiko sa matinding traffic na nararanasan sa edsa at tiniyak na gumagawa sila ng paraan upang maging maganda ang biyahe ng mga motorista.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,