Bagong trade route sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, binuksan na

by Radyo La Verdad | May 1, 2017 (Monday) | 2281


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang pagbubukas ng bagong trade route sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.

Sa ilalim ng Davao – General Santos – Bitung, Indonesia route mas maiksi ang byahe at mas mura ang babayaran ng mga negosyante sa bawat isasakay na container ng produkto.

Isang beses sa isang linggo bibyahe ang M/V Super Shuttle Roro 12 sa bagong ruta.
Kaya nitong magkarga ng 500 container sa isang byahe.

Bukod sa kailangang masapatan ang volume sa bawat byahe at ang maayos na serbisyo sa customers, isa sa isinasaalang alang ng pamahalaan ang kaligtasan at seguridad ng barko upang mapanatili ang bagong trade route.

Ayon sa Philippine Coastguard iiskortan ng isa sa kanilang mga barko ang byahe ng Super Shuttle Roro 12.

Pagdating sa border ang coast guard naman ng indonesia ang magbabantay sa barko.

Umaasa ang pamahalaan ng dalawang bansa na sa pagbubukas ng DGB route, mas mapapalakas pa ang trade relations ng Pilipinas at Indonesia.

(Victor Cosare)

Tags: , ,