Bagong telco player, posibleng pangalanan na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 1260

Posibleng mapangalanan na ngayong araw ang magiging ikatlong telco player sa bansa.

Hanggang alas dyes na lamang ngayong umaga ang deadline para sa pagsusumite ng mga bidding documents.

Nasa sampung telco ang bumili ng mga bidding documents na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

As of 8:30am kaninang umaga ang PT&T pa lamang ang nakapagsusumite ng bidding documents.

Kapag sumapit ang alas dyes ay wala pang nagpapasa ay hihirangin ng ikatlong telco ang nag-iisang nagpasa ng bidding documents.

Kabilang sa inaasahang magpapasa hanggang alas dyes ay ang Udenna Corporation ng businessman na si Dennis Uy, Now Corporation ng businessman na si Mel Velarde, Telenor Group at ang venture sa pagitan ng LCS group ni Governor Chavit Singson at Tier One ng bansang Norway.

Tags: , ,