METRO MANILA – Bumaba pa ng 24% ang COVID-19 cases sa buong Pilipinas at maging sa National Capital Region (NCR) nitong nakalipas ng Linggo.
Ayon sa Octa Research Team patunay ito na patuloy ang pagbaba ng kaso kahit nasa kasagsagan ng pangangampanya ang mga kandidato para sa darating na eleksyon.
Paliwanag din naman ng ni Octa Research Fellow Prof Guido David, bagaman posibleng may mga hindi na sumsailalim sa COVID-19 testing.
Wala rin namang ulat na malala ang COVID-19 infection sa bansa dahil mababa rin ang hospital admission sa ngayon.
Katunayan ito na nakatulong ang pagbabakuna kontra COVID-19 para maging mild na lang ang epekto nito at kaya na ang home isolation may mahawa man.
Nguni’t nagbabala rin ang Octa na kapag dumami pa ang hindi nagpa- booster shot ay posibleng magakaroon na naman ng surge ng COVID-19 cases sa mga susunod na buwan.
Ayon nga sa datos din ng Department of Health (DOH), 44 million na mga Pilipino ang kailangan pa magpa-booster shot .
Kaya naman hihinikayat pa rin ang lahat na makapagpabakuna na kontra COVID-19
Sa kabilang banda, makakatulong din aniya ang pag- administer ng 4th dose sa ilang sektor upang mapanatiling mababa ang kaso kapag nagsimula na ito sa huling linggo ng Abril.
Pakiusap lang din ng Octa sa lahat, mapanatili pa rin ang pagsusuot ng face mask, makapagpabakuna kontra COVID-19 na kumpleto ang dosing at ng booster shot.
Tinitignan na rin ng mga eksperto sa bansa ang posibilidad na gawin na ring taunan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas.
Ibayong paliwang pa ng Octa, 3 ang nakikita nilang posibleng sanhi ng pagtaas ng kaso sa bansa, ito ang kapag nagakroon ng panibagong COVID-19 variant, ang waning immunity ng COVID-19 vaccines at kapag naging masyadong kampante ang publiko kasabay ng pagbubukas ng ekomiya at turismo sa Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19, Octa Research Group