Bagong sss law, kinwestiyon sa Korte Suprema

by Erika Endraca | June 18, 2019 (Tuesday) | 15920

MANILA, Philippines – Kinwestiyon sa korte suprema ng grupo ng mga seafarer ang Social Security Act of 2018 o ang bagong SSS law.

Sa petisyong inihain ng Joint Ship Manning Group nakasaad na sa ilalim ng bagong batas itinuturing umanong employer ang mga seafarer gayong ang mga foreign ship owner ang dapat na kilalaning employer.

Hindi rin umano patas ang turing ng batas sa mga recruitment agencies na naghahire ng land based Overseas Filipino Workers (OFW).

Anila ang bilateral labor agreement naman na ginagawa ng Department of  Foreign Affairs (DFA) at DOLE ay hindi rin patas sa pagitan ng sea at land based ofws.

“The way it is being done violates the rights of our seabased manning agencies.in a way the liabilities are being passed on to manning agencies, the recruiters instead of employers”ani Legal Counsel Petitioners, Atty. Blesilda Abad.

Tags: , , ,