Opisyal nang gagamitin na ng PAGASA ang kategoryang “super typhoon” sa pagbibigay ng babala sa mga bagyo.
Ito’y upang bigyang imprmasyon ang publiko sa taglay nitong lakas gaya ng bagyong Yolanda na nanalasa sa bansa noong Nobyembre 2013.
Sa bagong storm signal, pasok sa kategoryang tropical depression ang bagyong may taglay na lakas na 61kph.
Kapag lumakas pa ito sa 62kph hanggang 117kph ay isa na itong tropical storm habang ang typhoon category naman ay mula 118kph hanggang 220kph.
Kung lalampas pa dito ang lakas ay tatawagin na itong “super typhoon”.
Ang bagyong Yolanda ay umabot sa 235kph ang taglay na lakas ng hangin at umabot pa sa 275kph ang bugso ng hangin.
Mananatili namang hanggang signal #4 lamang ang storm signal para sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng bagyo. (Rey Pelayo/UNTV News Senior Correspondent)
Tags: PAGASA, super typhoon