Ang matinding traffic ang isa sa mga problema na kinakaharap ngayon ng mga commuter sa Metro Manila.
At upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko partikular na sa EDSA, magsasagawa ang grupong Bayanihan sa Daan Movement ng EDSA Evolution o road sharing sa darating na June 28.
Sa EDSA Evolution magtatalaga ang Metro Manila Development Authority ng bagong sistema ng vehicle lanes sa North Bound at South Bound ng EDSA simula SM Mall of Asia hanggang sa EDSA-Ortigas intersection.
Batay sa plano ng MMDA dalawang lanes ang itatalaga para sa mga bus, isang lane ang ilalaan para sa mga pribadong sasakyan,isa ring lane para sa mga bisikleta at ang huling lane ay para sa mga tao naglalakad.
Layunin ng proyekto na maibsan ang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa EDSA at hikayatin ang publiko na gumamit ng bisikleta bilang alternatibong transportasyon na makakabawas rin sa polusyon sa Metro Manila.