Bagong set ng tren ng MRT3, maaari nang magamit bago mag-Abril

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 10540

MRT
Nagpapatuloy ang isinasagawang 500-kilometer test run sa isang bagon ng bagong set ng tren ng MRT3 tuwing gabi pagkatapos ng revenue hours ng MRT.

Target ng DOTC na matapos ang test run sa kalagitnaan ng Marso at maaari na itong magamit ng publiko bago mag Abril.

Kasabay nito ay papalitan din ang ilang bahagi ng riles ng MRT upang maayos na makatakbo ang bagong tren.

Sa kabuoan ay labing anim na bagong tren na binubuo na may tig-tatlong bagon ang inaasahang darating hanggang sa January 2017.

Kapag nakumpleto na ito ay aabot ng 800 thousand na tao araw araw ang magiging pasahero nito kumpara sa kasalukuyang bilang na 400 thousand na pasahero.

Tags: ,