Nakatuklas ng dalawang bagong rock paintings sa ancient ruins ng Machu Picchu sa Peru.
Pinaniniwalaan na ang mga painting ay noon pang panahon ng emperyo ng Inca na nanirahan sa lugar limangdaang taon na ang nakalilipas.
Ayon sa Machu Picchu Expert Fernando Astete, ang mga rock painting na makikita sa bagong tuklas na artifacts ay nagpapakita ng human silhouette.
Ang mga ito ang kaunaunahang paintings na nakuha sa lugar mula nang madiskubre ng American explorer na si Hiram Bingham ang syudad ng Machu Picchu noong 1911.
Tags: Bagong rock paintings, Incan Empire, Machu Pichu, Peru