Bagong riles ng LRT-1, darating na sa Abril

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 2118

LRT-LINE-1
Mapapalitan na ang riles sa 29-kilometer stretch ng Light Rail Transit Line 1 mula Baclaran Station hanggang 5th Avenue pagdating sa bansa ng bagong riles ngayong Abril.

Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), target nilang matapos ang rail replacement sa taong 2017 kung kailan inaasahang darating na rin ang mga bagong light rail vehicles (LRVs) nila.

Kapag nakumpleto na ang rehabilitasyon ng mga riles, maaaring bumilis ang takbo ng tren mula 40 kilometer per hour (kph) hanggang 60 kph, isang malaking kaalwanan para sa mga pasahero.

Kaugnay nito, nakatakda na ring simulan ang konstruksyon ng 1.7-kilometer extension ng LRT-1 mula sa kasalukuyang endpoint sa Baclaran hanggang sa Bacoor, Cavite.

Walong bagong istasyon ng tren ang madadagdag sa naturang extension project

Tags: ,