Nais linawin ng isang election lawyer ang bagong regulasyon ng Commission on Elections sa canvassing ng mga boto.
Ayon kay election lawyer Attorney George Erwin Garcia, batay sa COMELEC Resolution Number 10083, kahit nakapag-transmit electronically ang isang presinto ng resulta ng botohan, kailangan pa ring dalhin sa canvassing center ang sd card ng vote counting machine upang manually ay mai-upload sa Canvassing and Consolidation System o CCS ang datos ng botohan na nakalagay dito.
Taliwas sa naging sistema noong 2010 at 2013 elections na i-uupload lamang manually sa CCS ang datos na nasa sd card ng VCM kung hindi nakapagtransmit ang vcm ng isang presinto.
Ayon kay Garcia, dahil sa desisyong ito ng COMELEC lumalabas na tila hindi pinagtitiwalaan ang electronically transmitted result kaya sayang lang ang ginastos ng gobierno para sa transmission ng election results.
Pangamba din ng abugado, posibleng lumikha pa ng gulo ang panibagong sistemang ito ng poll body.
Sumulat na sa COMELEC si Garcia upang humingi ng paglilinaw sa isyu.
Nagsumite din ng sulat sa komisyon si dating COMELEC Commissioner Gregorio Larrazabal kaugnay sa isyung ito.
(Victor Cosare/UNTV NEWS)
Tags: canvassing, election lawyer Attorney George Erwin Garcia