Bagong Philippine Navy Chief Rear Admiral Taccad, tututukan ang modernisasyon at kahandaan ng hukbong dagat ng Pilipinas

by Radyo La Verdad | August 10, 2015 (Monday) | 2656

taccad
Humalili bilang bagong Philippine Navy Chief si Rear Admiral Ceasar Taccad sa isang Change of Command Ceremony sa Philippine Navy Headquarters sa Roxas Blvd. ngayong hapon.

Ngayong araw din nagretiro ang Philippine Navy Chief na si Vice Admiral Jesus Millan dahil sa pagsapit nito sa Mandatory Age of Retirement.

Ayon sa bagong Philippine Navy Flag Officer in Command na si Rear Admiral Taccad, tututukan nito modernisasyon at kahandaan ng hukbong sandatahang lakas ng Pilipinas.

Dagdag pa nito, kailangan ng mga programang magpapatibay sa resources ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas upang mapanatiling maayos ang mga acquired na kagamitan ng Philippine Navy.

Kailangang mapanatili rin ang pagpapatrolya sa karagatan ng Pilipinas sa pamamagitan ng acquisition ng dagdag na fire power o modernong mga kagamitan upang mabigyang-diin ang karapatan ng bansa sa sakop nitong teritoryo.

Si Taccad ay miyembro ng Philippine Militar Academy Sandigan class of 1982.

Siya rin ang kasalukuyang pinuno ng Philippine Navy Modernization Board at naging tagapanguna sa Naval Staff at Naval Forces sa Northern Luzon. (Rosalie Coz / UNTV News)

Tags: ,