Bagong peak ng COVID-19 cases makikita sa mga susundo na linggo – DOH

by Erika Endraca | August 27, 2021 (Friday) | 8806

METRO MANILA – Hindi pa makikita ang resulta ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa ilang lugar sa bansa.

Kaya nama ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Dir Dr Alethea de Guzman, asahan pa sa mga susunod na linggo ang bagong peak ng COVID-19 infections sa bansa.

“The increase in cases can really come from any and all areas here. All regions have positive growth rate already. This is something na nakikita in the next few weeks na posibleng tumataas pa iyong kaso” ani DOH Epidemiology Bureau OIC Director 3, Dr. Alethea de Guzman.

Ngayon pa lamang, mas mataas na ng halos tatlong libong ang COVID-19 cases na naitatala kada araw kumpara sa mga nakalipas ng Linggo.

15, 537 average COVID-19 infections kada araw ang naitalala noong Aug 19-25 kumpara sa 12, 897 lamang noong August 12-18

Sa National Capital Region na mahigit 4,000 na kaso ang naitatala kada araw.

Ayon sa DOH, papalo pa sa 80,000 ang maitatalang active cases sa katapusan ng buwan ng Agosto mula sa mahigit 35, 000 lamang ngayong lingo.

Ibig sabihin ganito kadami ang maaari pang makapanghawa dahil sa paglaganap ng Delta variant sa rehiyon.

Pinaghahandaan namang mabuti ng DOH ang projection na ito. Kailangang makapagdadag ng mga kama, medical supplies at ng mga healthcare workers sa mga ospital.

Sa ngayon, nananataling nasa high-risk classification ang buong bansa. 10 rehiyon na rin ang nasa mahgiit 70- 80% ang okupado an ang kanilang ICU kabilang dito ang NCR. 89% naman o 108 mga rehiyon sa bansa ang nasa alert level 3 at alert level 4 . 14 na lugar sa ncr ang nasa alert level 4

Ibig sabihin mahigt 70% na ang okupado sa mga isolation, ward beds, ICU at mechanical ventilators ng mga ospital,

Ayon din kay Dr Deguzman, ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na lang ang walang local case ng Delta variant sa bansa.

Bawa’t rehiyon aniya ay may may umiiral na 2 variants of concern.

Muling pakiusap ng mga eksperto sa publiko, huwag balewalain ang mga umiiral na health protocols.

Malaking tulong na rin sa mga medical frontliners na manatili na lang sa loob ng bahay kung walang gagawing essential sa labas.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,