Bagong panganak na sanggol, natagpuan sa isang bakanteng lote sa Aringay, La Union

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 3279

TOTO_SANGGOL
Viral ngayon sa social media ang isang amateur video na kuha at ini-upload ng isang Gloria Salayon.

Makikita sa video ang isang bagong panganak na sanggol na ni-rescue ng isang lalaki mula sa isang bakanteng lote sa Barangay Samara, Aringay sa La Union.

Dali-daling dinala sa pinakamalapit na center ang sanggol na lalake upang masuri matapos itong matagpuang walang saplot.

Ayon sa Aringay Police, nakita ng isang napadaang lalaki ang umiiyak na sanggol sa bakanteng lote noong June 8.

Sa ngayon ay nasa maayos na kondisyon na ang sanggol na nasa pangangalaga ng La Union Medical Center sa Agoo at anumang araw ay iti-turnover ito sa Department of Social Welfare and Development.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,

Libreng sapatos, ipinamahagi sa mga barangay tanod sa La Union

by Erika Endraca | September 28, 2021 (Tuesday) | 14585

Napagkalooban ng bagong sapatos ang ilang barangay tanod mula sa La Union.

Ito ay mula sa Pugo Municipal Police Station bilang bahagi ng kanilang YAPPAKK project.

Ang nasabing aktibidad ay upang mapalakas ang ugnayan ng pulis at ng barangay.

Samantala pinasalamatan ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ang mga barangay official sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagsugpo ng krimen sa kanilang komunidad.

“Iisa lamang naman ang hangarin ng pulisya at ng barangay, at ito ay ang kaayusan sa mga komunidad. Sana ay mas maging matibay pa ang ugnayan ng dalawa para sa hangaring ito,” ani PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: ,

La Union Vice Mayor at body guard patay sa ambush; anak na Mayor, sugatan din

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 21226

Patay sa pananambang ang vice mayor ng Balaoan, La Union na si Alfred Concepcion at security escort nito na si Michael Ulep matapos tambangan kaninang umaga.

Samantala, sugatan ang anak nito at kasalukuyang alkalde ng Balaoan na si Aleli.

Batay sa imbestigasyon, lulan ang dalawa ng sasakyan mula sa kanilang bahay at patungo na sana sa munisipyo nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek dakong alas otso y medya ng umaga sa bahagi ng Luna Road, Barangay Cabuaan.

Agad itinakbo ang mga ito sa Balaoan District Hospital ngunit agad binawian ng buhay ang bise alkalde.

Sa ngayon ay naka-half mast ang bandila sa harap ng munisipyo ng Balaoan, La Union.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP Region 1 na tututok sa kaso.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, inaalam din ng mga pulis kung may mga banta na natatanggap ang mga ito bago ang nangyaring pananambang.

Kasama sa iimbestigahan ng SITG ay kung miyembro ng private armed group ang suspek sa pananambang at kung may pulitikong nag utos sa mga ito.

Kinundena ng Malacañang ang ginawang ambush sa La Union local chief executives. Inatasan na ang pambansang pulisya na imbestigahan ang naturang insidente at papanagutin ang mga nasa likod ng krimen.

 

( Toto Fabros / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Convoy ni Balaoan Mayor Aleli Concepcion at Vice Mayor Alfred Concepcion, inambush

by Radyo La Verdad | November 14, 2018 (Wednesday) | 20554

Tinambangan ang convoy nina Balaoan Mayor Aleli Concepcion at Vice Mayor Alfred Concepcion kaninang alas otso diyes ng umaga.

Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang sasakyan ng alkalde at bise alkalde habang binabagtas ang Balaoan-Luna Road sa Barangay Cabuaan, Balaoan, La Union na papunta sana sa Municipal Hall.

Agad itinakbo ang mayor at vice mayor at kasamahan nito sa Balaoan District Hospital.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa pangyayari.

 

Tags: , ,

More News