Bagong order vs contractualization scheme, idinepensa ng DOLE

by Radyo La Verdad | December 21, 2016 (Wednesday) | 916

aiko_bello
Iginagalang ng Labor Department ang reaksyon at opinion ng mga grupo ng manggagawa kaugnay ng ilalabas na bagong department order kontra kontraktuwalisasyon sa bansa.

Gayunman, ipinaliwanag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakapaloob dito ang pinakamabisang paraan upang magkaroon ng proteksyon ang contractual workers.

Nakasaad dito na sa kahit ang mga service provider o agency ang magre-regular sa mga empleyado, may inilagay namang safe guards ang DOLE.

Kabilang dito ang katiyakan na oras na matapos ang kontrata ng agency sa principal employer ay dapat mahanapan ng panibagong trabaho ang mga manggagawa sa loob ng tatlong buwan.

Ibibigay rin ng agency ang kalahati ng buwanang sweldo ng mga ito, habang naghihintay ng kanilang bagong trabaho.

Sa datos na hawak ng DOLE, umabot na sa 32,000 ang mga empleyadong ginawang regular mula sa nadatnan nilang bilang na 26,000;

Umabot naman sa 43-million ang employment rate sa bansa.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,