Bagong mobile app para sa seguridad ng publiko, inilunsad ng PNP

by Radyo La Verdad | May 17, 2018 (Thursday) | 5693

Isang mobile application na naglalaman ng lahat ng contact number, address at mapa ng police station, bumbero at ospital ang inilunsad ng Philippine National Police (PNP).

Ang Samsung 321 mobile app ay isang mobile service application na naglalaman ng data base ng mga national institution at facilities na maaaring makontak ng publiko.

Gumagamit ang app ng global positioning system (GPS) upang makita ang lokasyon ng pinakamalapit na pwedeng mahingan ng tulong gamit ang google maps.

Ayon sa PNP, walang dapat ipag-alala ang publiko na magkaroon ng data breach sa paggamit ng mobile app.

I-download lamang sa google play store ang app upang ma-install sa cellphone. Kailangang pahintulutan na magkaroon ng access ang app sa GPS upang makita ang iyong current location.

Gamit ang app, makakapili ka kung ano ang hanap mong emergency service. I-click lamang ang nais na emergency service upang makita ang pinakamalapit na police station o ospital.

Sakop ng naturang mobile app, ang 84 na lokasyon sa buong bansa gaya ng Batangas, Ilocos Norte, Nueva Ecija, Pampanga, Occidental Mindoro, Albay, Palawan at NCR.

Ang naturang mobile app ay available pa lamang sa buong Asya.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,