800 megawatts na kuryente ang nawala sa buong Luzon grid ngayong araw dahil sa pagbagsak ng ilang planta.
Nakaforced o hindi planadong outage ang Angat Unit 4, Kalayaan Unit 2, Makban Unit 1 and 10, Limay Block 5, Pagbilao Unit 2, South Luzon Thermal Unit 1, Malaya 1 at SLPGC Unit 2 habang naka schedule outage ang Sta.Rita Unit 2 at extended maintenance ang Pagbilao Unit 2 power plant.
Dahil dito naging manipis ang reserbang kuryente ng Luzon na umabot na lamang sa 364 megawatts.
Bumaba naman ang reserba sa mahigit isang daang megawatts kaninang alas dos ng hapon.
Kaya plano ng Department of Energy na gumawa ng isang bagong mekanismo upang mas mabantayan ang mga planta na madalas bumabagsak.
Kabilang dito ang pananagutan ng mga distribution utility gaya ng MERALCO.
Pinayuhan na rin ng MERALCO ang mga kasapi ng interruptible load program na kung maaari ay gamitin na muna nila ang kanilang mga sariling generator upang huwag ng kumuha ng kuryente mula sa MERALCO.
Makatutulong ito upang mapataas ang supply ng kuryente sa Luzon.
Pinangangambahan naman na tumaas ang singil sa kuryente dahil sa sunod-sunod na yellow alert sa Luzon.
Simula noong July 26 ay nagkaroon na ng walong yellow alert sa buong Luzon habang dalawamput isang yellow alert naman ngayong taon.
Ayon sa MERALCO maaaring mag-reflect ang epekto ng yellow alert sa presyo ng kuryente sa susunod na buwan ng Setyembre at hindi ngayong Agosto.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Bagong mekanismo, ginagawa ng DOE, sapat ang supply ng kuryente sa Luzon