Bagong malware, target ang pera sa bangko ng mga android smartphone users

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 1215

ANDROID-USERS
Pinag-iingat ng isang global internet security firm ang mga Android smartphone user na nago-online banking.

Ayon sa Kaspersky Lab, isang bagong malware na tinatawag na Asacub ang nagnanakaw hindi lamang ng impormasyon tungkol sa mga biktima kundi maging ng pera nila sa bangko.

Ayon kay Roman Unuchek, Senior Malware Analyst sa Kaspersky Lab USA, ang tukoy na target sa ngayon ng cybercriminal group sa likod ng Asacub Trojan ay ang mga financial institution sa Russia at America.

Ngunit hindi aniya ibig sabihin nito na maaari nang maging kampante ang mga Android user sa labas ng naturang mga bansa.

Pinapayuhan ang lahat ng gumagamit ng smartphones sa pagbabayad ng goods and services na gumawa ng mga hakbang upang maprotekatahan ang kanilang mobile phones.

(UNTV Radio/UNTV News)

Tags: ,