Bagong mall hours sa Metro Manila, ipatutupad simula sa Nov. 14 – MMDA

by Radyo La Verdad | October 31, 2022 (Monday) | 10341

METRO MANILA – Magpapatupad ng adjustment sa oras ng operasyon,  ang mga mall sa Metro Manila kaugnay sa inaasahang dagsa ng mga tao habang papalapit ang holiday season.

Ayon sa MMDA magsisimula ito sa darating na November 14 at tatagal hanggang sa January 6, 2023.

Mula sa kasalukuyang oras 10am to 9pm, ia-adjust ang mall hours ng 11am to 11pm.

Bukod dito napagkasunduan rin na hindi muna magsasagawa ng mall sale tuwing weekdays.

Dapat ring abisuhan ng mga mall operator ang MMDA kung magkakaroon ng sale, upang makatulong sa pagsasaayos ng trapiko kapag weekend.

Nauna nang sinabi ng MMDA na tinatayang nasa 50,000 na mga sasakayan ang madaragdag sa traffic volume sa Metro Manila ngayong holiday season.

“Napagkasunduan na po ay starting November 14 up to January 6, the adjusted mall hours sa Metro Manila ay from 11am to 11pm on the weekdays po , in addition po yung mga sale nila po sana po gawin sa weekend at kung magkaka-sale kailangan po silang magsubmit sa MMDA ng traffic management plan at least 2 weeks before para makatulong rin po kami sa traffic management po” ani MMDA Spokesperson, Atty. Melissa Carunungan.

Tags: , ,