Bagong listahan ng mga ipinagbabawal dalhin sa mga airport inilabas ng Office for Transportation Security

by Radyo La Verdad | July 14, 2015 (Tuesday) | 44983

O
Mas detalyado ang bagong listahan ng mga ipinagbabawal dalhin ng mga pasahero sa airport na inilabas ng Office for Transportation Security o OTS.

May nadagdag rin na bagong items sa listahan

Kabilang dito ay ang mga naibentong bagong gamit gaya ng lipstick at flash flight na stunning device.

Ayon sa OTS, delikado itong dalhin ng pasahero sa kanilang hand carry baggage subalit pahihintulutan naman sa check in baggage.

Ang lighter na pinapahintulutan dati na maisama sa check in baggage ay hindi na pwedeng ipasok ngayon sa mga paliparan

Lahat ng uri ng firearms maging mga pellet gun at laruang baril hindi narin pahihintulutan sa loob ng paliparan

Lahat ng mga matutulis na bagay gaya ng kutsilyo at iba pa, bawal sa hand carry baggage subalit pwede sa check in baggage

Maging mga canned good na may easy open lid bawal rin sa hand carry baggage dahil kinokonsidera ito na may matulis na bagay

Anumang bagay na may hangin sa loob gaya ng bola ng basketball at mga katulad nito, kailangan munang paimpisin dahil maaaring sumabog kapag magbago ang pressure sa paglipad ng eroplano.

Bawal pa ring dalhin sa hand carry baggage ang lahat ng mga liquid o gel na lalagpas sa 100ml.

Tags: