METRO MANILA – Nagtayo ng panibagong kawanihan ang Department of Education (DepEd) upang mapangasiwaan ang Alternative Learning System (ALS) program.
Layon nito na mapatibay ang mga programa para sa mga out-of-school youth na pinakadahilan ng pagtatatag ng kawanihan.
Sa pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones, mapagtitibay nito ang mga programa at polisiya para sa out-of-school children in special cases, kabataan, at katandaan na matuturuan ng pangunahing pagunawa, kasanayan sa buhay, na katumbas ng basic education.
Itinayo ang kawanihang ito ayon sa Republic Act No. 11510 o Alternative Learning System Act.
(Ritz Barredo | La Verdad Correspondent)