Si dating Presidential Legal Consel Chief Alfredo Benjamin Caguioa ang itinalaga kahapon ni Pangulong Benigno Aquino The Third bilang Ad interim Secretary ng Department of Justice.
Si Caguioa ang pumalit kay outgoing Secretary Leila De Lima na nagbitiw sa posisyon upang tumakbo sa pagka senador para sa 2016 elections.
Kanina, ay maagang pumasok sa kanyang bagong opisina si Secretary Caguioa,
Ayon kay Caguioa, sa ngayon ay kinakausap na niya ang kanyang mga makakasama sa trabaho, partikular na ang mga under secretary upang malaman ang mga bagay-bagay at mga kasong kinakailangang matutukan ng ahensya.
Isa ang National Bureau of Investigation sa mga tanggapan na hawak ng DOJ na kabilang sa mga tutukan ni Caguaio.
Kasama rin sa pupulungin ng bagong kalihim ang mga departnent head ng tanggapan upang pagusapan ang mga trabaho na kinakailangang maging prayoridad ng departmamento.
Nangako naman si Caguiao na ipagpapatuloy ang magandang performance ng ahensya at mga naiwang trabaho ni De Lima.(Joan Nano/UNTV Correspondent))