Iprinisinta ngayon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kanilang bagong HOTLINE NUMBER, ang 1342.
Ang bagong hotline ng LTFRB ay pwede ma-access sa buong bansa sa loob ng isang linggo bente kwatro oras.
Dito maaring itawag ng publiko sa LTFRB ang anumang katanungan, suhestyon,sumbong o reklamo hinggil sa maling pagmamaneho ng mga pambulikong sasakyan.
Para sa mga may nais na isangguni o i-report sa ahensya dito sa Metro Manila, idial lamang ang mga numerong 1342.
Ngunit para naman sa labas ng Metro Manila o yung mga nasa probinsya, kinakailangan lamang na i-dial ang (02)-1342 para sa lahat ng PLDT at Smart subscribers.
Para naman sa mga Globe subscribers i-dial lamang ang area code plus 1342 upang maipaabot ang kanilang mga concern sa LTFRB.
Maari ring magpaabot ng kanilang mensahe ang publiko sa pamamagitan ng text o di naman kaya ay sa kanilang viber account sa mga numerong 0917-550-1342 o sa 0998-550-1342.
Dahil sa mga bagong lunsad na numero, ipinagutos rin ngayon ni LTFRB Chairman Winston Ginez ang pagaalis ng mga lumang contact numbers na makikita sa mga pampublikong sasakyan ang “may reklamo ka?itawag sa LTFRB?
Tiniyak naman ng pamunuan ng LTFRB na mayroong sasagot sa kanilang hotline upang agad na aksyunan ang anuman suhestyon at sumbong na kanilang matatanggap.(Joan Nano/UNTV Correspondent)