Bagong hirang na Chief Justice De Castro, sinalubong ng mga kawani ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | August 28, 2018 (Tuesday) | 2537

Sinalubong ng mga empleyado ng Korte Suprema ang bagong hirang na chief justice na si Teresita Leonardo De Castro kaninang umaga.

Sa kaniyang unang araw sa pagiging punong mahistrado ay dumalo si De Castro sa regular en banc session at sa oral arguments ng petisyong kumukwestiyon sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC).

Si De Castro ang itinuturing na kauna-unahang babaeng pinuno ng kataas-taasang hukuman matapos mapawalang-bisa ang appointment kay Sereno noong Mayo ngayong taon.

Siya rin ang may pinakamaikling oras ng paninilbihan sa nasabing posisyon na tatagal lamang ng higit apatnapung araw dahil nakatakda na siyang magretiro sa ika-8 ng Oktubre.

Samantala, hindi naman nagpahuli sa pagsalubong kay Chief Justice De Castro ang ilang mga tutol sa pagkakatalaga sa kaniya sa pwesto.

Ilang raliyista ang nagtungo sa harapan ng Korte Suprema na may bitbit na placards na may naka sulat na “Impeach De Castro” at “No to Fake CJ”.

Tags: , ,