Isinusulong ngayong ng Singapore Health Promotion Board (HPB) ang pagdodonate ng mas masusustansyang pagkain sa mga low income families sa bansa.
Kaya naman ilang bagong panuntunan ang inilabas ng mga ito para sa mga voluntary welfare organization at individual na nagbibigay ng kanilang mga donasyon.
Kabilang dito ang panuntunan na paglalagay ng hindi kahit isang food item mula sa bawat isa sa limang pangunahing grupo ng pagkain tulad ng staples, oils, karne at mga alternatibo nito.
Kasama rin ang mga dairy products, alternatives at ang mga gulay at prutas.
Dapat din na may Healthier Choice Symbol (HCS) na nakalagay sa packaging ng mga produkto, katunayan ito na dumaan ito sa pagsusuri ng HPB.
Binigyang pagkilala naman ng HPB ang isa sa non-profit charity gaya ng Food from the Heart dahil sa isa ito sa mga unang nagpatupad ng pagbabago sa kanilang organisasyon upang makasunod sa kanilang alituntunin.
Binago ng charity ang kanilang programa na “School Goodie Bag Programme” nang magkaroon ng healthier choice products.
Ngunit ayon sa ilang kritiko, kapaki-pakinabang man ang layuning ito ng HPB, maaring maging mahirap ito para sa ibang charity dahil kadalasan, ang mga mas masustansyang produkto ay mas mahal ang presyo.
( Annie Mancilla / UNTV Correspondent )
Tags: HPB, masustansyang pagkain, Singapore