Normal pa rin ang sitwasyon sa Zamboanga International Airport. Ngunit todo-bantay naman ang otordad para walang makakapasok na mga masasamang loob.
Ang Zamboanga International Airport ang ikatlo sa pinaka busy na airport sa Mindanao. Pagpasok pa lang sa airport ay dadaan muna sa security inspection.
Maging sa pagcheck-in, mahigpit din ang seguridad dahil kailangan ito para malayo sa panganib ang mga biyahero.
Bukas ay inaasahan naman ang pagbubukas ng panibagong flight papuntang Davao City ng Philippine Airlines.
Kamakailan lamang ay dalawang panibagong ruta ng flights ang naidagdag sa lungsod papuntang Cagayan de Oro City at Cotabato City. Sa pamamagitan nitong mga karagdagang flights ay inaasahan na mas maraming mapagsisilbihang pasahero.
Base naman sa statistics, patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasahero sa airport. Mula sa mahigit 200 thousand noong 2001 ay umabot na ito sa halos isang milyon nitong 2016, kaya naman marami ngayong plano ang pamahalaan para sa airport.
( Dante Amento / UNTV Correspondent )