Bagong DOT chief, palalakasin ang farm tourism

by Radyo La Verdad | May 10, 2018 (Thursday) | 4506

Hindi makapaniwala ang bagong talagang kalihim ng Department of Tourism (DOT) nang sabihin sa kanya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang ipapalit sa nagbitiw na kalihim ng ahensya na si Wanda Teo.

Si Bernadette Romulo-Puyat ay 12 taon ng nasa Department of Agriculture (DA), kung saan ay undersecretary siya mula pa sa panahon nila dating Pangulong Gloria Arroyo at Noynoy Aquino. Siya rin ang undersecretary ngayon ng agri business and marketing ng DA.

Isa sa mga proyekto nito ay ang TienDA na naglalayong maibenta ang mga produktong agrikultura sa murang halaga. Nais niyang ikampanya ang farm tourism pag-upo sa DOT.

Ang bilin sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte, wala dapat maging korapsyon sa ahensya.

Ang bagong kalihim ng DOT ay nagtapos sa UP Diliman bilang cum laude sa kursong BS Economics. Anak siya ni dating DFA Secretary Alberto Romulo.

Agad niyang pupulungin ang mga opisyal ng DOT para sa iba pang proyekto ng kagawaran.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,