Bagong BOC Comm. Isidro Lapeña, magpapatupad ng one strike policy sa mga empleyadong mahuhuling tumatanggap ng lagay

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 1494

Pormal nang nailipat kahapon kay Commissioner Isidro Lapeña ang pamumuno sa Bureau of Customs. Sa kaniyang unang talumpati, nagbabala siya na agad sisibakin sa pwesto ang sinomang mapatutunayang sangkot sa korapsyon o anumang ilegal na gawain.

Umapela rin ito sa mga importer at broker na huwag nang makipagsabwatan sa mga indibidwal o grupong nag-aalok ng mabilis ngunit ilegal na proseso.

Samantala, magdadala ng mga mapagkakatiwalaang tauhan si Lapeña na makakatulong sa gagawing reporma sa BOC. Tiniyak naman nito na mananatili sa pwesto ang mga empleyadong naging tapat sa serbisyo.

Nakatakda namang ibigay ni Former Commissioner Nicanor Faeldon ang mga hawak niyang ebidensya kay Comm. Isidro Lapeña na magpapatunay sa isyu ng cement smuggling.  Nangako naman ang bagong BOC chief na titignan ang isyu.

Samantala, nagbanta na rin si Commissioner Lapeña  na agad ipaaresto ang mga gumagamit sa kanyang pangalan at  nag-iikot umano upang mangolekta ng pera.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,