Bagong batch ng Repatriates mula sa UAE umabot na sa 3,724

by Erika Endraca | August 4, 2021 (Wednesday) | 13347

METRO MANILA – Umabot na sa 3,724 na mga Pilipino ang napauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa United Arab Emirates (UAE). Nitong Hulyo 31, 2021 ang ika-siyam na chartered flight ng DFA, kasama sa mga nakauwi ang 374 na mga Pilipino, kabilang na ang 78 na mga buntis .

Nakapag-pauwi ang DFA ng 1,415 na mga Pilipino noong Hulyo na mas mataas kaysa noong Hunyo na umabot sa 1034.

“Kinikilala namin ang mga pagsisikap ng aming mga tauhan mula sa Post overseas sa ibang bansa at sa Home Office, tulad ng nakikita natin na mas tumaas ang bilang ng mga Fililipino na pauwi noong Hulyo. Kinikilala rin namin ang tulong ng iba pang mga ahensya ng gobyerno na nakikipagtulungan sa aming repatriation process” ani DFA Undersecretary Sarah Lou Y. Arriola.

Ayon sa ahensya, lahat ng mga napauwi ay makatatanggap ng 200 USD bilang tulong mula sa DFA. Sasailalim din sila sa 14-day quarantine.

Samantala, ang mga chartered flight ng DFA ay pinondohan ng Assistance to National Fund (ATN Fund).

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)

Tags: , , ,