METRO MANILA – Lampas sa P400 kada kilo na ngayon ang presyo ng sibuyas sa lebel pa lamang ng mga magsasaka.
Sa mga palengke sa Metro Manila, ilang araw nang umaabot na P600 ang kada kilo.
Pero ayon kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Kristine Evanglelista, sa mga susunod na araw ay posibleng mabili na ang mas murang sibuyas sa mga Kadiwa stores.
Bibilhin ng Department of Agriculture ang bagong aning sibuyas ng mga magsasaka.
Ayon sa opisyal, may sabsidiya ang gobyerno kaya mas murang mabibili sa Kadiwa stores ang sibuyas.
Bahagi ito ng istratehiya ng gobyerno na mabigyan ng ibang opsyon ang publiko na makabili ng mas mababang presyo ang consumer.
Ayon sa grupo ng mga magsasaka ng sibuyas, ngayon palang sila makakabawi kung mabibili ng mas mataas ang presyo ng kanilang produkto.
Inasahan din naman ng mga magsasaka na sa susunod na buwan ay bumaba narin ang presyo ng sibuyas dahil mas marami na ang ani.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: DA, Kadiwa Stores, sibuyas