May magagamit nang bagong school canteen ang mga estudyante at guro sa Calumpang Elementary School sa Calumpit, Bulacan.
Ito ay matapos na tugunan ng Members Church of God International (MCGI) at UNTV ang kanilang hiling na mapalitan ang dating ginagamit na canteen.
Nasorpresa naman ang mga taga barangay dahil kasabay ng turn-over ng bagong school canteen ay isang bagong ambulansya rin ang ipinagkaloob ng grupo sa kanila.
Dalawampung taon nang pinagtyatyagaan ng mga taga Brgy. Calumpang ang isang second hand na multicab na ginagamit nila sa pagta-transport ng mga maysakit patungo sa ospital.
Ayon kay Brgy. Chairman Arnel Faustino, madalas na itong masira at magastos na rin ang maintenance.
Naglalaman ang ambulansya ng bagong mga medical kit, stretcher, back board, oxygen tanks at bp apparatus.
Sinamantala na rin ng grupo na makapagsagawa ng medical at dental mission sa lugar kasabay ng turnover ceremony.
Umabot sa 448 ang napaglingkuran sa aktibidad.
( Nestor Torres / UNTV Correspondent )