Bago at mas pinalakas na UNTV Rescue, inilunsad

by Radyo La Verdad | August 25, 2015 (Tuesday) | 1634

photo courtesy : Photoville International
photo courtesy : Photoville International

Bago at mas pinalakas na UNTV Rescue ang inilunsad kaugnay ng pagdiriwang ng ika-labing isang anibersaryo ng UNTV ngayong araw.

Ipinakilala ang daan-daang mga bagong rescuer ng UNTV sa iba’t ibang panig ng bansa, kasabay ng paglulunsad ng bagong hotline na matatawagan sa panahon ng emergency, ang 911-UNTV o 911-8688

” UNTV News and Rescue Team is ready with God’s help and equipped with the knowledge and advance skill in rescue operations and with the help of God we will be able to meet the task ahead of us, kami po ang inyong maliliit na mga lingkod laging nakahanda na tumulong sa awa’t tulong ng Panginoon, and let me officially introduced po sa inyo ang atin pong official launch ng 911-UNTV.” pahayag NI BMPI-UNTV CEO Daniel Razon

Nadagdag rin ang Under Water Rescue sa bagong serbisyong ipagkakaloob ng rescue team ng UNTV.

Naitalaga bilang head ng Under Water Rescue Team si Jess Lapid, kasama ang ilang piling mga rescuer na sumailalim sa training ni Kuya Daniel Razon.

Isinagawa rin ngayong araw ang 2nd UNTV Rescue Summit

Pinangunahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon ang pagbubukas ng Rescue Summit kasama sina NCRPO Chief Joel Pagdilao at Progressive Broadcasting President and Owner of UNTV Mr. Atom Henares.

Tampok sa Rescue Summit ang iba’t ibang paraan at kagamitan sa pagsagip ng buhay.

Naka-display rin ang iba’t ibat sasakyan na ginagamit ng UNTV sa rescue operations gaya ng ambulansya, fire truck, rescue truck, rescue boat, amphibious car at ang quad ski.

Makikita rin ang iba’t ibang kagamitan sa pagsagip ng buhay kabilang na ang mga first aid at medical kit.

Makikita din sa UNTV Rescue Summit ang iba’t ibat uri ng drone na ginagamit ng UNTV sa rescue at sa pagbabalita, ang rescue drone na kayang magbuhat ng salbabida upang makasagip ng isang nalulunod, ang Under Water Drone na maaaring magamit sa Under Water Survey, at ang mga drone na ginagamit ng UNTV sa pagkalap ng balita at pag-alam sa sitwasyon ng trapiko.

Mayroon ding isinasagawang lecture at seminar ang ilang piling resource person hinggil sa iba’t ibang paraan ng pagsagip ng buhay

Nakiisa rin ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman sa paghahanda sa mga kalamidad.( Mon Jocson / UNTV News)

Tags: , , ,