Bacolod City Police Chief, inalis sa pwesto dahil sa ‘droga’

by Jeck Deocampo | January 14, 2019 (Monday) | 24920
File photo mula sa PCOO FB Page

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bacolod City Chief of Police Senior Superintendent Francis Ebreo sa pwesto dahil sa pagiging sangkot umano nito sa iligal na droga. Ginagawa aniyang miserable ni Ebreo ang buhay ng mga taga-Bacolod.

Sinabi ito ng Pangulo ang pahayag nang dumalaw ito sa Bacolod. Ayon sa Malacañang, nasa siyudad ang Punong Ehekutibo noong Sabado upang dumalo sa birthday celebration ng chief executive officer ng Vallacar Transit na si Leo Rey Yanson.

Batay sa mga ulat, nasa labas lamang ng venue ng celebration si Ebreo upang pangasiwaan ang pagbabantay sa seguridad nang gawin ng Punong Ehekutibo ang pahayag.

Bukod dito, pinatatalsik din ni Pangulong Duterte ang apat pang opisyal ng pulis. Ang mga naturang police official umano ang protektor ng sindikato ng iligal na droga sa siyudad.

Ayon naman kay Western Visayas Police Regional Office chief Superintendent John Bulalacao, agad niyang ni-relieve sa pwesto sina Ebreo at iba pang police official bilang pagsunod sa direktiba ng Pangulo at magsasagawa rin ng kaukulang imbestigasyon hinggil dito.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , , ,