Backlog sa pag-iisue ng mga bagong lisensya, matatapos na susunod na buwan ayon sa LTO

by Radyo La Verdad | September 1, 2015 (Tuesday) | 1507

SALVADOR
Tatapusin na ng Land Transportation Office ang pag-iisyu ng mga naka-pending na drivers licenses sa buwan ng Oktubre

Sa ngayon, mayroong 900 thousand na backlog ang lto sa mga lisensya at kada araw ay nakakapag imprenta ng isang libo ang kontraktor ng ahensya

Bukod dito pinalawig ng ahensya ang operasyon ng pag proseso sa mga lisensya sa mga shopping mall

Kamakailan, dalawamput limang mga drivers license center ang binuksan ng LTO

Magandang balita rin sa mga kumukuha at nag re-renew ng drivers license dahil bubuksan ng Land Transportation Office ang mga license center nito tuwing araw ng sabado

Sa tulong nito, mababawasan ang backlog ng LTO na 900 thousand na lisensya sa buwan ng Oktubre

Ayon sa LTO, malaking tulong ito sa mga kababayan nating nag re-renew ng lisensya na napipilitang mag-basent o mag-leave sa trabaho upang kumuha o mag-renew ng lisensya

Ayon sa LTO sisimulan muna ito sa National Capital Region bago ipatupad sa iba’t ibang panig ng bansa.

Samantala, ang operasyon naman ng sabado ay para doon sa mga magki-claim ng lisensiya at kapag tumagal na ay maari nang tumanggap ng ibang trabaho.

Ayon sa LTO, mapapabilis na rin ang pagkuha ng lisensya dahil binawasan na nito ang proseso ng mga nag a-apply

Sa mga nag re-renew ng lisensya, hindi na kailangang mag fill-up ng application ng form at sa halip ay magdala ng isang valid id at medical certificate, ipa-check ang mga detalye ng aplikasyon at magpakuha ng litrato.

Ayon sa LTO ang renewal ay aabutin na lamang mg sampu hanggang labing limang minuto. (Mon Jocson/ UNTV News)

Tags: