Backlog ng LTO sa drivers license umabot na sa kalahating milyon

by Radyo La Verdad | July 16, 2015 (Thursday) | 3510

LICENSE
Hanggang ngayon wala pa ring naiisyung lisensya sa ilang tanggapan ng Land Transportation Office o LTO sa ibat ibang lugar sa bansa.

Umabot na sa kalahating milyong ang backlog ng ahensya

Noong nakaraang buwan na i-award sa All Card Philippines ang kontrata para sa mga drivers license na iniisyu ng LTO.

At sa Agosto pa mag u-umpisa ang naturang kumpanya sa pag-print ng mga bagong lisensya.

Iba ang itsura ng mga drivers license na ginagawa ng bagong supplier
Sa non-pro at pro na drivers license, tinanggal na ang salitang “millenium” at “philippines” sa bandila

Tinanggal na rin ang address ng L-T-O.

Binuo rin ang mga salitang “weight” “height” at “agency” para mas malinaw na mabasa.
Imbes na “professional” o “non-professional” ginawa na itong mas specific na dinugtungan ng “driver’s license”.

Ang lisensya ng konduktor, dilaw. kulay orange naman para sa student license.

Tulad ng drivers license ngayon, may 2-D barcode pa rin ang mga lisensya.

Bibigyan na rin ng p-v-c card ang mga student driver, kapalit ng papel na ginagamit ngayon.

Nilinaw ng L-T-O, mananatiling P150 pa rin ang bayad sa student permit.

Pinag-aaralan na rin ng ahensya na bawasan ang singil sa pagkuha ng lisensya

Lalo na at nasa 67 pesos kada piraso lang ang ipinasang bid ng nanalong supplier na Allcard Philippines.

Naniniwala ang L-T-O, nasa Agosto pa mapupunan ng bagong supplier ang 500 thousand backlog na driver’s lincense .

Tags: ,