Inilabas ng kompanyang Folding Boat Company ang K-Pak, isang back-pack na maaaring i-assemble para maging bangka na magagamit sa mga camping trip.
Ayon sa kompanya, 21 pounds o mahigit siyam na kilo lamang ang bigat ng back-pack kaya’t hindi masyadong mapapagod ang mga camper sa pagdadala nito kumpara sa kung magdadala pa sila ng tradisyonal na bangka.
Tatagal lamang ng limang minuto ang paga-assemble sa K-pak.
Magagamit ang folding boat para mga camping activities gaya ng fishing, hunting, nature photography, sight-seeing, trekking at lazy paddles.
Tags: Back-pack, maaaring i-assemble para maging bangka, magagamit sa mga camping trip