Babala ng bagyo, nakataas sa Bicol Region dahil kay Karen

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 3504
Photo credit: windytv.com
Photo credit: windytv.com

Lumakas pa ang Bagyong Karen habang papalapit ito sa Luzon.

Namataan ang tropical storm kaninang 4am sa layong 335km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75kph at pagbugso na aabot sa 95kph.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 13kph.

Nakataas ngayon ang tropical cyclone warning signal #2 sa Catanduanes kung saan makararanas ng masungit na lagay ng panahon sa loob ng 24 hrs.

Signal #1 naman sa CamSur, CamNorte, Albay, Sorsogon at Masbate.

Mararanasan naman sa mga lugar ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa loob ng 36hrs.

Sa linggo ay posibleng tumama ang sentro ng bagyo sa Isabela-Aurora area.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng pinsala sa mga bahay ang bagyo lalo na ang mga gawa lamang sa light materials.

Mag-bawas o magtrim narin ng mga sanga ng puno lalo na ang makaaapekto sa linya ng kuryente at komunikasyon.

Mag-antabay sa kinauukulan kung mangangailangan na ng paglikas o evacuation sa inyong lugar.

Tags: ,