Babala ng bagyo, nakataas na ilang lugar sa Luzon dahil sa paglapit ng Bagyong Lawin

by Radyo La Verdad | October 18, 2016 (Tuesday) | 4356
Photo credit: windytv.com
Photo credit: windytv.com

Nakataas na ang babala ng bagyo sa ilang lugar sa Luzon dahil sa paglapit ng Bagyong “Lawin”.

Ayon sa PAGASA, huli itong namataan sa layong isang libo at pitumput limang kilometro sa silangan ng Daet, Camarines Norte.

Taglay ang lakas ng hangin na 185 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 230 kph.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 24 kilometers per hour.

Ang tropical cyclone warning signal number 1 ay nakataas sa Cagayan, Isabela, Northern Aurora at Catanduanes.

Sa Huwebes ay posibleng tumama ang mata ng bagyo sa Cagayan at inaasahang maaapektuhan ang malaking bahagi ng Northern Luzon dahil sa lawak ng dayametro nito na pitong daang kilometro.

Batay sa pagtaya ng PAGASA, mas malakas na si ‘Lawin’ kumpara sa naabot na lakas ng bagyong karen at posible na maging isang super typhoon.

Tags: , ,