Babaeng sangkot umano sa extortion, arestado sa entrapment operation sa Calamba Laguna

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 1151

SHERWIN_EXTORSION
Matapos matanggap ang tatlong libong pisong marked money mula sa isang money transfer center sa Calamba, Laguna, mabilis na pinaligiran ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group at Anti-Cybercrime Group ang babaeng ito na suspek sa kasong extortion.

Ang suspek na si Catherine Ramos ay nadakip sa entrapment operation matapos humingi ng saklolo sa mga otoridad ang babaeng tinangka umano nitong kikilan.

Ayon sa biktima, hindi niya akalaing kaibigan niya pala ang nagpakilalang Billy Jade Torres na nagbantang ipapakalat ang malalaswa niyang video sa social media kapag hindi siya nagbayad ng P70,000.

Sa imbestigasyon ng PNP, nalaman ng suspek ang password sa social media account ng biktima kung saan naka-upload ang sex video na ginamit sa tangkang pangingikil.

Desidido ang biktima na ituloy ang pagsasampa ng kaso sa suspek.

May paalala naman ang mga otoridad sa ating mga kababayang mahihilig gumamit ng social media.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,